Friday, September 8, 2017

National Crime Prevention Month:“Korapsyon at Droga ay Hadlangan, Tungo sa Matatag na Pamayanan.” -sanaysay

                           
                             Mula kampanya hanggang sa bungad ng panunungkulan ng kasalukuyang administrasyong Duterte. Naging bukambibig ng mga Pilipino mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ang pakikipaglaban ng pamahalaan sa korapsiyon, droga at kriminalidad. Hindi mawawala sa balita ang halos araw-araw na patayan na may kinalaman sa droga. Isa ito sa ipinangako n gating pangulo sa kanyang panunungkulan, ang “puksain” ang korapsiyon, droga at kriminalidad. Subalit, nakasisigurado ba tayo na ang hakbang na ito n gating pamahalaan ay magdadala sa Pilipinas tungo sa matatag na pamayanan o tungo sa mas “marupok” na pamayanan?

                            Ang bawat pamayanan ang pundasyon ng isang bansa. Ang isang payapa at nagkakaisang pamayanan ang tatag ng isang bansa. Ngunit para makamit ang matatag na pamayanan, marami tayong kalaban na animoy anay na sumisira sa ating tahanan. Una dyan ang korapsiyon, ang korapsiyon ay isang kanser sa lipunan. Ninanakaw ang pundong dapat nakalaan sa sambayanan. Mga lider na imbes na iangat ang lipunan ay lalo pa itong ibinababa. Paano ito masusulusyonan? Huwag tayong magreklamo sa gobyerno. Siguraduhin nating pinipili natin ang tamang tao sa balota. Iluklok ang dapat, hindi ang korap.


                             Ang droga at kriminalidad ay kasama rin sa mga lumulumpo sa ating pundasyon. Talamak na droga at kriminalidad ang pangunahing suliranin ng ating bayan. Ang isyung ito ay di madali at mapanganib solusyonan. Mga bawal na gamot na sumisira ng kaisipan at kriminalidad na nagdudulot ng takot sa taong bayan. Kaugnay sa droga, malulutas ito kung uumpisahan sa ating sarili. Kung gumagamit pa, itigil na. Kung interesadong gumamit, huwag ng subukan.Ang pagibibgay edukasyon lalo na sa kabataan ay isang hakbang upang maalis ang kyoryosidad tungkol sa droga. Tungkol naman sa kriminalidad na karaniwang iniuugnay sa kahirapan, ang maaring solusyon ay ang pagbibigay trabaho para an gating kababayang nasa laylayan ay hindi na kumapit sa patalim.

                   Kapatid, kaibigan at mga kapwa ko Pilipino. Kung hindi natin uumpisahang sumolusyon ngayon? Kailan pa? Alam nating hindi ito madaling solusyonan, ngunit kung lahat tayo’y magkakaisa, isang bansa, isang misyon, isang diwa. Hindi lamang tayo magiging matatag na pamayanan kundi magiging maunlad at payapang bayan.

Panoorin din ang isang maikling palabas na aming ginawa tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas:

No comments:

Post a Comment

Personal Blogs

The Curse behind Intelligence

Disclaimer: Hindi porket hindi mo maintindihan o hindi ka maka relate sa personal blog ko eh bobo or mangmang ka na. I do believe that ever...