"Nay? How to be you po?"
(Tula tungkol sa aking inang byuda)
I
Pagyao ng asawa’y di tuminag,
Sa puso ng inang, anak ang tatag,
Ilaw ng tahana’y muling sisinag,
Nang landas ng anak, maging maliwanag.
II Sila’y walang pinag-aralan,
Walang trabaho’t pinagkakakitaan,
Ilaw ng tahana’y muntik mapundi,
Sa pagod at hirap maghanap ng tuition fee.
III Nagpakatulong at tumanggap ng labada,
Naghanap ng may perang gawain,
Hindi humadlang ang kawalang pera,
Upang kami’y mapag-aral at mapakain.
IV Pinakamatatag na aking nakilala,
Nagpamana ng di malilimutang impluwensya,
Ang pagiging matatag,
At ang di mawalan ng pag-asa.
V
Lubos nilang napatunayan,
Na ang pagkawala ng haligi,
Ay di dapat maging dahilan,
Sa pagguho ng isang tahanan.
VI Kung ako’y ipapanganak,
At papipiliin ulit ng ina,
Kayo ulit ang pipiliin,
Dahil kayo’y labis dakila.
VII Ang inyong nagawa’y,
Mahirap pantayan,
Mahirap higitan,
Mahirap suklian.
VIDEO
No comments:
Post a Comment