Thursday, September 14, 2017

The Curse behind Intelligence

Disclaimer: Hindi porket hindi mo maintindihan o hindi ka maka relate sa personal blog ko eh bobo or mangmang ka na. I do believe that everyone is intelligent in different aspects. No one is born smart already. Lahat ng matalino nag uumpisa sa musmos na walang alam. This blog is pertaining to the academic intelligence and the curse behind it. Remember, what was stated in here is just based on my personal experiences and also experiences of other people I get to know with mutual problems.

                IQ or Intellectual Quotient. Yan ang mataas sa mga taong academically intelligent. Dahil diyan, mas mabilis kaming mag-isip, mag-unawa, maghanap ng solusyon sa problema, kakaibang pamamaraan at taktika, madaling umalala at malawak ang common senses. Sinasabi ng karamihan, masuwerte daw ang mga taong ipinanganak na matalino, pero sasabihin ko sa inyo. Isa lang po itong balat-kayo ng sumpa. Kasabay sa taas ng IQ, ay ang sobrang taas din ng expectations na kailangan mong i-meet. When I say expectations, with S. Sobrang dami niyan! Expectations na animo’y rules of life na kailangan mong sundin at huwag baliin dahil sira ang image mo o madi disapoint ang mga taong nakapaligid sayo ng may mataas na expectations. Kung pinanganak kang pinakamatalino sa magkakapatid? Dapat ikaw ang may pinakamataas ang income pag nagka trabaho ka. Dapat kung magkaka girlfriend o boyfriend ka, dapat sa tingin nila yung ka level mo.  Kung matalino ka, dapat di ka mabubuntis o makabuntis habang nag-aaral dahil magiging tripling kahihiyan ka sa pamilya kasi matalino ka pa naman. Dapat palagi kang nasa honor role o hindi maagaw ang honor mo. Kung matalino ka dapat ikaw ang may pinakamagandang trabaho paglaki mo. Dapat above 90 lahat ng grades mo. Dapat sa lahat ng bagay sa school ikaw ang the best. Dapat ikaw ang laging kino contest. Dapat GANITO!! Dapat GANYAN!! Yan ang mga linyahan ng mga pamilya namin.Bawat hangin nanilalanghap mo, may pressure na kailangan “GANITO KA”kasi nga matalino ka.

                Hanggang ngayon parin talaga, hindi ko maintindihan ang mga pag-iisip ng magulang na walang ginawa kundi I pressure ang mga anak nilang “dapat ikaw ang nangunguna!”.Mga magulang na halos I microphone kung ipagmayabang ang anak kung nakakaproud, pero halos itakwil naman nila kapag nag fail. Yung tipong 1st honor ka, pinag aagawan kung sinong magsasabit ng medalya sayo, pero kapag 2nd honor ka na lang dahil nalusutan ka, pinagpapasapasahan at andaming palusot. Pero ang katotohanan, nahihiya silang umakyat sa stage dahil bumaba ang rank mo. Imagine? Bumaba lang ng isang ranking big deal na sa kanila? Hindi ko po talaga ma-gets!!! Ano pong meron sa medal?! Na gawa lang sa plastic, bakal at tela kung pahalagahan niyo. Anong meron sa sobrang tataas na grades eh numero lang naman yan na sinulat sa kapirasong papel. Mas importante pa ba yan kesa sa natututunan ng anak niyo sa eskwelahan? Ang pagiging matalino ay isang SUMPA lalo na’t kung di nila naiintidihan ang nararamdaman mo. May mga bagay ka na gustong gawin pero hindi mo magawa kasi nga matalino ka, dapat palagi kang gumagawa ng tama, dapat mas madalas kang makitang hawak ang learning materials kesa DotA, wattpad at iba pa. Ganyan ang paligid na ginagalawan ng mga taong pinanganak na may angking katalinuhan. At alam mo ba ang susunod na mangyayari? Dahil matalino ka, dapat matalino din ang magiging anak mo. So ikaw naman ang susunod na magpe pressure sa anak mo, ikaw naman ang maglilimita ng galaw niya, ikaw naman ang may mataas na expectations, dahil dapat kapag nakasalubong mo ang mga batchmates mo, dapat may maipakilala kang anak na nagmana sayo. At ikaw naman ngayon ang ihi-hate ng anak mo. Sana hindi nalang naimbento ang medal. Sana wala na lang honor role. Sana ang lahat ng kabataan sa mundo ay pumapasok para matuto hindi para makipag kompetisyon. Kasi kung pumupunta tayo sa paaralan para makipag kompetisyon, edi sana tinawag na lang itong Pa-ANGAT-an hindi Pa-ARAL-an.
Ps. Hindi lahat ng pamilya ng mga taong matatalino ganyan.Yung iba kayang tanggapin at ipagmalaki ang anak nila in UPS and DOWNS.Sana lahat ng pamilya ganyan na lang.

TRIVIA: Every 40 seconds, a one person suicide somewhere in the world. Karamihan edad 15-19. Karamihan studyanteng depressed, pressured sa educational system, pressured sa magulang at takot maging disappointment. 1.8% of world deaths are suicide.

Friday, September 8, 2017

National Crime Prevention Month:“Korapsyon at Droga ay Hadlangan, Tungo sa Matatag na Pamayanan.” -sanaysay

                           
                             Mula kampanya hanggang sa bungad ng panunungkulan ng kasalukuyang administrasyong Duterte. Naging bukambibig ng mga Pilipino mula sa lahat ng antas ng pamumuhay ang pakikipaglaban ng pamahalaan sa korapsiyon, droga at kriminalidad. Hindi mawawala sa balita ang halos araw-araw na patayan na may kinalaman sa droga. Isa ito sa ipinangako n gating pangulo sa kanyang panunungkulan, ang “puksain” ang korapsiyon, droga at kriminalidad. Subalit, nakasisigurado ba tayo na ang hakbang na ito n gating pamahalaan ay magdadala sa Pilipinas tungo sa matatag na pamayanan o tungo sa mas “marupok” na pamayanan?

                            Ang bawat pamayanan ang pundasyon ng isang bansa. Ang isang payapa at nagkakaisang pamayanan ang tatag ng isang bansa. Ngunit para makamit ang matatag na pamayanan, marami tayong kalaban na animoy anay na sumisira sa ating tahanan. Una dyan ang korapsiyon, ang korapsiyon ay isang kanser sa lipunan. Ninanakaw ang pundong dapat nakalaan sa sambayanan. Mga lider na imbes na iangat ang lipunan ay lalo pa itong ibinababa. Paano ito masusulusyonan? Huwag tayong magreklamo sa gobyerno. Siguraduhin nating pinipili natin ang tamang tao sa balota. Iluklok ang dapat, hindi ang korap.


                             Ang droga at kriminalidad ay kasama rin sa mga lumulumpo sa ating pundasyon. Talamak na droga at kriminalidad ang pangunahing suliranin ng ating bayan. Ang isyung ito ay di madali at mapanganib solusyonan. Mga bawal na gamot na sumisira ng kaisipan at kriminalidad na nagdudulot ng takot sa taong bayan. Kaugnay sa droga, malulutas ito kung uumpisahan sa ating sarili. Kung gumagamit pa, itigil na. Kung interesadong gumamit, huwag ng subukan.Ang pagibibgay edukasyon lalo na sa kabataan ay isang hakbang upang maalis ang kyoryosidad tungkol sa droga. Tungkol naman sa kriminalidad na karaniwang iniuugnay sa kahirapan, ang maaring solusyon ay ang pagbibigay trabaho para an gating kababayang nasa laylayan ay hindi na kumapit sa patalim.

                   Kapatid, kaibigan at mga kapwa ko Pilipino. Kung hindi natin uumpisahang sumolusyon ngayon? Kailan pa? Alam nating hindi ito madaling solusyonan, ngunit kung lahat tayo’y magkakaisa, isang bansa, isang misyon, isang diwa. Hindi lamang tayo magiging matatag na pamayanan kundi magiging maunlad at payapang bayan.

Panoorin din ang isang maikling palabas na aming ginawa tungkol sa kasalukuyang sitwasyon ng Pilipinas:

"Nay? How to be you po?"

"Nay? How to be you po?"

(Tula tungkol sa aking inang byuda)

a

Pagyao ng asawa’y di tuminag,

Sa puso ng inang, anak ang tatag,

Ilaw ng tahana’y muling sisinag,

Nang landas ng anak, maging maliwanag.

II
Sila’y walang pinag-aralan,

Walang trabaho’t pinagkakakitaan,

Ilaw ng tahana’y muntik mapundi,

Sa pagod at hirap maghanap ng tuition fee.

III
Nagpakatulong at tumanggap ng labada,

Naghanap ng may perang  gawain,

Hindi humadlang ang kawalang pera,

Upang kami’y mapag-aral at mapakain.

IV
Pinakamatatag na aking nakilala,

Nagpamana ng di malilimutang impluwensya,

Ang pagiging matatag,

At ang di mawalan ng pag-asa.

V

Lubos nilang napatunayan,

Na ang pagkawala ng haligi,

Ay di dapat maging dahilan,

Sa pagguho ng isang tahanan.

VI
Kung ako’y ipapanganak,

At papipiliin ulit ng ina,

Kayo ulit ang pipiliin,

Dahil kayo’y labis dakila.

VII
Ang inyong nagawa’y,

Mahirap pantayan,

Mahirap higitan,

Mahirap suklian.


Personal Blogs

The Curse behind Intelligence

Disclaimer: Hindi porket hindi mo maintindihan o hindi ka maka relate sa personal blog ko eh bobo or mangmang ka na. I do believe that ever...